July 31, 2026
Libreng Gumawa ng Resume — ₱10 Naman Para I-download

May update sa pricing namin: libre pa rin — at laging libre — ang gumawa ng resume gamit ang AI sa TheProfileMaster. Pero ngayon, ₱10 na kada resume ang bayad para ma-download ito, PDF man o Word (.docx) file.
Dati, pwede mong i-download ang resume mo nang may "PREVIEW" watermark nang walang bayad, at ₱10 na lang kung gusto mong alisin ito. Ngayon, ₱10 na agad ang kailangan bago ka makapag-download — walang watermarked na libreng bersyon.
Bakit ito ginawa: madali palang tanggalin ang isang mahinang watermark gamit ang mga libreng AI tool sa internet, kaya hindi na ito sapat na proteksyon. Sa halip na gawin pang mas nakakaabala ang watermark, mas pinili naming gawing simple at tapat ang presyo — ₱10 lang minsan kada resume.
May Basic plan ka na? Libre na agad ang lahat ng download mo, PDF man o Word — kasama na sa subscription mo, walang extra bayad kahit ilang beses ka pang mag-download.
Ang ₱10 na ito ay para sa 2 base na design lang (Professional Classic at Minimalist Professional). Ang ibang 9 premium na template ay ₱20 each, o libre kung Premium plan ka.
Subukan mo: theprofilemaster.com