← All posts

July 29, 2026

Papasa Kaya Ang Resume Mo Sa ATS? Alamin Na Ngayon

Papasa Kaya Ang Resume Mo Sa ATS? Alamin Na Ngayon

Ilang linggo na naming pinag-usapan dito sa blog kung bakit importante ang ATS (Applicant Tracking System) — ang software na "unang babasa" ng resume mo bago pa ito makarating sa tao. Ngayon, hindi na lang usapan — may sarili ka nang tool para talagang malaman kung papasa ang resume mo.

Ipakilala namin ang ATS Resume Checker. I-paste mo lang ang resume mo (o i-upload ang file, o piliin sa mga saved resume mo kung naka-login ka), at bibigyan ka agad ng score mula 0 hanggang 100 — kasama ang breakdown kung bakit ganoon ang score mo: kumpleto ba ang contact info, may section headers ba (Experience, Education, Skills), gumamit ka ba ng malalakas na action verbs, may mga numero o resulta ba sa bullet points mo, at iba pa.

May extra pang feature: kung may specific job posting kang tina-target, i-paste mo rin ito, at ipapakita sa'yo kung anong mga keyword sa job description ang meron na sa resume mo, at anong mga keyword pa ang kulang — malaking tulong para tumugma ang resume mo sa hinahanap ng employer.

Bukod sa score, may AI suggestions ka ring makukuha — mga specific na dapat baguhin, base mismo sa laman ng resume mo, hindi lang generic na tips.

₱5 lang ito kada check. Libre naman agad kung Standard o Premium plan ka — kasama na sa subscription mo, walang extra bayad.

Makikita mo ito sa "🤖 AI Tools" menu bilang "Resume Checker." Subukan mo: theprofilemaster.com/ats-checker

Share

Ready to build your resume?

Free to start — no card needed.

Build my resume →