July 9, 2026
Gawa Para sa Pinoy Job Seeker

Bakit ko ginawa ang TheProfileMaster? Napansin ko kasi: ang daming magagaling na Pilipino ang hindi nakakalampas sa unang round ng application — hindi dahil kulang sila sa skills, kundi dahil hindi maganda ang pagkaka-present ng resume nila.
Yung iba, walang laptop. Yung iba, hindi marunong mag-format sa Word. At halos lahat ng magagandang resume tools sa internet — dollars at credit card ang hinihingi.
Kaya ginawa namin ito para sa atin: Tagalog man o English ang isusulat mo, aayusin ng AI ang wording. GCash ang bayad sa premium features, hindi credit card. At gumagana kahit phone lang ang gamit mo.
Hindi namin maipapangako na makakakuha ka ng trabaho — walang tool na makakagawa niyan. Pero masisiguro naming kapag binuksan ng employer ang application mo, professional ang dating — kasing-ganda ng sa mga nagbayad ng mahal para magpagawa.
Simulan mo sa libreng resume: theprofilemaster.com