July 3, 2026
Isang Buwan, Isang Idea, Isang Tool

Ilang buwan ko rin itong ginawa, pero finally, live na siya.
Gumawa ako ng web app na tumutulong gumawa ng maayos at professional na resume — kahit hindi ka marunong mag-format sa Word o walang design skills.
Sagutan mo lang ang ilang tanong tungkol sa work experience mo, at aayusin na ng AI ang wording at format para sa'yo. May kasama ring cover letter helper at sarili mong profile page na pwede mong i-share sa mga employer.
Ginawa ko ito para sa kapwa ko Pilipino — ang resume builder mismo ay walang bayad, at GCash ang pambayad sa mga premium features dahil alam kong hindi lahat tayo may credit card.
Kung may kakilala kayong fresh grad o naghahanap ng bagong opportunity, baka makatulong ito sa kanila: theprofilemaster.com
Open ako sa feedback — patuloy ko pa rin itong iniimprove. Salamat!