← All posts

July 22, 2026

Pwede Ka Nang Maglagay ng Litrato sa Resume Mo

Pwede Ka Nang Maglagay ng Litrato sa Resume Mo

Madalas itong tanong: "Pwede po bang may litrato ang resume ko?" Sagot: oo, pwede na ngayon — lalo na kung ikaw ay nag-a-apply sa BPO, sales, hospitality, o ibang industriyang malaking tulong ang personal touch.

Sa Build page, may bagong "Import Photo" section ka na — mag-upload ka lang ng malinaw na litrato mo, at awtomatiko na itong ilalagay sa header ng resume, katabi ng pangalan at title mo.

Available ito sa Basic plan pataas, at makikita lang ang litrato kapag isa sa mga premium template ang napili mo — Executive Standard, Corporate Blue, Tech Innovator, at iba pang design na talagang dinisenyo para may space para sa photo. Kung libreng template ang gamit mo, hindi muna lalabas ang litrato kahit naka-upload ka na.

Tip: gumamit ng malinaw, well-lit na litrato, katulad ng para sa ID o LinkedIn — iwasan ang mga selfie o larawang may ibang tao sa background.

Subukan mo: theprofilemaster.com/build

Share

Ready to build your resume?

Free to start — no card needed.

Build my resume →